1. If you are a fish eater , the safest fish would be the ones with scales ( kaliskis ) kasi meron protection sa mga iba pang toxins ng dagat; yung walang kaliskis like the tasty Gg ( galunggong, ) catfish , tuna, sapsap .. mas madaling kapitan ng toxic materials ...like the dangerous oil spills.
2. Yes, the smaller fish the better, kasi baby pa sila mas konti ang kain nila. Did you know research has shown , the small fishes like the Pinoy "dulong" (considered the smallest fish in the world), the lowly 'dilis " , etc ay nakakabata? It means it preserves youth!!! Another research among fishermen in PI., ....the fish eaters tend to have more male children ? You can try.
3. The seafoods are called the scavengers of the sea? They function like the street sweepers ---, sweep , eat , suction the dirt under the sea!!! The "rubbery "pusit and sea shells takes 8 hours to digest or come out thru the dirt shoot in its original form? maski na ilaga ng isang oras ang "heavenly" na talangka eh meron pa raw di namamatay na bacteria . !!! oooops, tama na nga or else the fishermen will run without sales !!!! maganda rin meron bacteria sa katawan. Sabayan na lang ng friendly bacteria na "ACCIDOPHILUS " or maraming yakult.
4. Always eat cooked fish ---- raw is dangerous ( dahil sa bacteria ) . kilawin pangpulutan sigurado naluto sa suka at sabayan uminom ng alak
5. FISH pond fishes ----mga alagang isda hindi sa dagat : depende sa "feeds "; if non-chemically organic feeds safe yan;
6. Read and master GOD"S natural pharmacy.......me gamot lahat para sa kalusugan.
Anong isda ang safe kainin? (Basahin ito!)
NARINIG na ba ninyo ang issue tungkol kay KC Concepcion ? Mahilig siya sa isda kaya raw nagkaroon siya ng mercury poisoning na nakaapekto sa kanyang mata. Ang mercury ay nakukuha ng isda sa polusyon sa tubig. Masama sa ating katawan ang isda na may mercury dahil nakasisira ito ng utak at kidneys. Ang sintomas nito ay ang pamamanhid ng mga kamay at paa. May mga guidelines na inilabas sa America tungkol sa limitasyon sa pagkain ng isda. Sundin natin ito.
A. Mga safe na isda: Maaaring kumain ng 2-3 beses (o servings) bawat linggo. Ang bawat serving ng isda ay may timbang na 180 grams o 6 ounces.
1. Samaral
2. Dilis (anchovies)
3. Hito (catfish)
4. Galunggong (mackerel)
5. Salmon
6. Tilapia
7. Mababa sa mercury ang hipon, pusit at alimango.
8. Bangus (milkfish) ay safe din pero mas mataas ang mercury levels kumpara sa ibang nakalista dito.
B. Medyo bawasan ang pagkain: Kumain lamang ng 1-2 beses (o servings) bawat linggo. Ang bawat serving ay may timbang na 180 grams o 6 ounces.
1. Banak (mullet)
2. Tamban
3. Maya-maya (snapper)
4. Nakalatang tuna (Canned light tuna)
C. Mag-ingat sa pagkain: Pinakamarami ay kumain lamang ng 3 beses (o servings) sa isang buwan.
1. Tuna fresh at sashimi
2. Lapu-lapu (grouper)
3. Sea Bass
D. Huwag kainin ito da hil mataas sa mercury: Marlin, Tuna (Ahi), Swordfish at Pating (Shark).
Dagdag tips sa pag kain ng isda:
1. Piliin ang maliliit na isda dahil mas bata pa sila at hindi pa nakakakuha ng mercury sa katawan. Ang isdang wala pang 12 inches ay mas safe.
2. Kumain na lang ng gu-lay, prutas at manok. Mas safe iyan.
3. Importante: Ang mga buntis at sanggol ay sen sitibo sa epekto ng mercury. Mas bawasan pa ang pag kain ng isda.
Maganda naman ang isda sa katawan pero kailangan piliin ang mas safe na isda.
No comments:
Post a Comment